1. Isulat ang
pamagat ng tula/kuwento/dula at ang sumulat nito.
2. Sabihin
kung tungkol saan ang akda (paksa, tema, o kaalaman)
(Maaaring magbigay elaborasyon
tungkol sa paksa)
3. Kilalanin
kung kanino ang akda o sino ang nagsasalita sa akda.
4. Talakayin
ang akda sa pamamagitan ng paghimay-himay ng mga bahagi nito:
a. tauhan
b. tagpuan (lugar at panahon)
c. banghay (pagkasunod-sunod ng
pangyayari)
c. mga talinghaga a simbolo
5. Sumipi ng
mga salita o taludtod para patunayan ang mga puntong inilalahad.
6. Sumipi ng
mga sinabi o sinulat ng ibang tao tungkol sa paksa; gumamit ng citation (hal. [dela
Cruz 2014, 7])
7. Maaaring
ipaliwanag ang sipi (quotation) bago o pagkatapos itong sipiin.
8. Balikan
ang natutunang iba pang uri ng pagbasa (histo-sosyolohikal, kultural, at
estetika) at piliin ang angkop na pagbasang gagamitin.
9. Magbigay
ng panapos na paghuhusga sa halaga ng akda sa sining at lipunan kung saan ito
nagmula, gayundin sa iba pang komunidad.
10. Ilagay
ang mga sinangguni. Gamitin ang ganitong
format:
Dela Cruz, John. 2014. Pagsulat ng Kritisismo/Kritika. Iloilo
City: UP Press.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento