Miyerkules, Hunyo 25, 2014

Iba pang Uri ng Pagbasa



Histo-Sosyolohikal

Hinihingi ng pagbasang ito sa mga estudyante ang pagkakaroon ng kaalaman sa kasaysayan, lipunan, ekonomiya, at kultura ng tauhan at kanyang komunidad.  Ang kuwento ay tinitingnan bilang produkto ng panahon at lugar. Maaaring kunin ang halaga ng kuwento bilang kaalamang pang-nakaraan o pangkasalukuyan.


Kultural

Identidad ang hinahanap sa ganitong uri ng pagbasa.  Sa pagbasang ito, mahalagang makilala ang pinapanigan at inietsapwera, ang nasa gitna at ang nasa tabi.  Sa madaling salita, anong identidad ang itinatanghal ng kuwento.  Narito ang ilang pinag-uukulang basahin:

1.    Uri
2.    Lahi at etnisidad
3.    Sekswalidad at kasarian

Estetika at Pagkatao

Ang estetika ay masasabing hindi hiwalay sa yugto ng kasaysayan (ng Kapitalismo).  Maaari itong isalarawan ng hanay sa ibaba:

            Yugto ng Kapitalismo                                  Estetika
           
Kolonyalismo                                                Realismo
Imperyalismo                                                Modernismo
Multinasyonalismo                          Postmodernismo


Sanggunian:

Lumbera, Bienvenido et. al. Paano Magbasa ng Panitikang Filipino. Quezon City: UP Press. 2000.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento