Martes, Hunyo 24, 2014

Ang Maikling Kuwento sa Filipinas



Mula sa Kanluran ang anyo ng maikling kuwento.  Pero kahit ito’y banyagang anyo, ang mga katutubong pamamaraan ng pagsasalaysay ay makikita pa rin sa mga kuwento.  Kapansin-pansin halimbawa ang paminsan-minsang paglitaw ng pag-uulit-ulit na katangiang pang-epiko, ang pakikipag-usap sa mambabasa na katangian ng kuwentong bayan at alamat, at kahit na ang pangangaral na nasa salawikain at sawikain.  Ang dagli ang naunang anyo ng maikling kuwento.  Lumabas ang mga dagli sa mga pahayagan sa panahon ng Amerikano at ang layunin ay mangaral, mamuna, magpasaring at manuligsa.

Ang pagiging maikli ang pangunahing katangian ng maikling kuwento.  Magkagayunpaman, mahirap sabihin ang hangganan ng sinasabing maikli.  Sa iba, ito ay maaaring isang pahina, o magpahanggang 25 pahina.  Nakasanayan na na ang maikling kuwento ay mayroong balangkas: simula, problema, pag-akyat, klimaks, resolusyon, at wakas.  Subalit may mga makabagong kuwento na hangad lamang ay lumikha ng kintal sa isipan, o masidhing damdaming na tatama sa mambabasa.

Ilan sa mga katangian ng maikling kuwento ang sumusunod:

1.    Bahagi (simula, gitna, at wakas)
2.    balangkas
3.    katutubong kulay
4.    di sukat akalaing wakas
5.    nakakapanggulat na pangyayari
6.    makatotohanan (Realismo)

May apat na elemento rin ang maikling kuwento:

1.    paksa
2.    tauhan
3.    tagpuan
4.    panahon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento