Pansinin ang (aking) salin ng tula ni Matsuo Basho ng
old pond... sa sapa-sapa
a frog leaps in lumundag ang palaka
water's sound. tubig nabigla
Sa haiku, ang mga salitang "sapa-sapa" at "palaka" ang dalawang imahen na "pinutol" ng "tubig (na) nabigla."
Bilang karagdagang kaalaman, subukang analisahin ang anyo ng haiku ng mga tula ni Basho.
the
first cold shower
even
the monkey seems to want
a
little coat of straw
the
wind of Mt. Fuji
I've
brought on my fan!
a
gift from Edo
how
many gallons
of
Edo's rain did you drink?
cuckoo
Kung ang mga Hapon ay may haiku, ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon ding tanaga. (Sa katunayan, hindi lang tanaga ang sinaunang anyo ng panulaan; sinauna rin ang ambahan, balac, siday, at iba pa at may pantigang mula pito hanggang siyam.) Binubuo ng 7 pantig bawat taludtod ang may apat na taludtod na tanaga. At ayon sa isang paring Kastila ito ay "napakataas na uri at puno ng talinghaga." Narito ang dalawang lumang tanaga:
catitibay ka tolos
sacaling datnang agos
aco'i momonting lomot
sa iyo,i popolopot.
(Katitibay ka Tulos
Sakaling datnang agos
Ako'y mumunting lumot
Sa iyo'y pupulupot.)
ang aba co capatir
nagiisa ang sinulir
cun sa goyon napatir
sa papan malilibir.
(kawawa kong kapatid
nag-iisang sinulid
kapag ika'y napatid
sa papan masasabit.)
Ang talinghaga, ayon kay Bienvenido Lumbera, ay "bagay o karanasan na konektado sa buhay at kapaligiran." Nagpapahiwatig ng misteryo, kalabuan, o kalabisan.
Sa kabuuang pananaw, ang haiku ay maituturing na isang impresyon--tulad ng pagklik ng kamera para kumuha ng larawan--walang pangangailangan ng pagpapalalim ng kaisipan. Sa kbilang banda, ang tanaga ay isang ekspresyon--ang paghahanap ng representasyon ng damdamin at kaisipan para panumbas sa isang karanasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento