Hindi malinaw sa mga teorista kung ano ang relasyon ng
Post-istrukturalismo sa naunang Istrukturalismo. Sa iba ito ay
sinasabing reaksyon at kritika ng Istrukturalismo. Sa iba naman ito ay
pagpapatuloy sa naumpisang metodo. At sa iba pa, ang paghila sa
Istrukturalismo sa ekstrim nitong dulo.
Sa pananaw ng istrukturalismo, ang kahulugan ay malilikha lamang sa pamamagitan ng wika. Ang wika lang kasi ang lunan ng lahat ng pagpapakahulugan. Sumasang-ayon dito ang Post-istrukturalismo kaya lang hindi naniniwala ang mga Post-istrukturalista na definitibo at matatag (stable) ang kahulugang ito dahil hindi lahat ng pagpapakahulugan ay nasasakop ng wika. Sa ganitong puwang ipinasok ng Post-istrukturalismo ang pilosopiya. Lohikal ang pagpasok ng pilosopiya dahil ito ang disiplina na palaging may banggaan ng pagpapakahulugan.
Pinaniniwalaang ang pilosopiya ay siyang makakapagpalitaw ng kahulugan ng mga blanko, espasyo, absent, puwang (mga salitang pinasikat ni Jacques Derrida) na hindi nilantad sa panitikan (minabuti itong tawaging “writing” ni Roland Barthes). Ginamit din niya ang salitang “texto” para tukuyin ang bahagi ng writing na bukas sa pagpapakahulugan ayon sa persepsyon, resepsyon at pagbasa ng mambabasa.
Sa pananaw ng Post-istrukturalismo, hindi buo ang texto at ito ay walang sentro. Hindi buo dahil sa akto pa lang ng pagsusulat ay nagkakaroon na ng pagdududa na baka hindi mabasang mabuti ang ina-akda. (Tinawag itong aphasia ng isang teorista, tumutukoy sa isang linguistikong sakit.) Itong kawalan ng kasiguruhan din ang naglalagay sa texto para maging di-matatag ang kanyang sentro---na pwedeng dumausdos ang kahulugan nang walang tigil (kay Jacques Lacan ito ay maaaring ilarawan sa S/s o ang di-matatag na relasyon ng signifier at signified; kay Barthes naman ito ay maaaring ilarawan ng konsepto ng senyas kung saan ang signified ay maaaring maging bagong signifier hanggang sa dumami nang dumami ang signifikasyon.
Isa sa mga naging sandigan ng ganitong pananaw ay ang sinulat ni Barthes na “The Death of the Author” noong 1968 kung saan kinuha niya sa author ang karapatang maging autoridad ng kahulugan at inilipat sa mambabasa. Itinuring na lamang ang author na “daluyan” ng texto na itinuturing na hindi naman orihinal na nanggaling sa kanya ngunit na-akda na ng mga naunang sumulat (o ng langue ng lipunan?). (Ginamit ang salitang ‘intertexto” (maaaring ituring na bahagi lamang ng langue?) para kilalanin ang ganitong katangian ng texto.) Ang ganitong pagtumba ay naging simbolikal din ng pagtumba ng tinawag ni Derridang “mytaphysics of the presence” kung saan ang Kaalaman/Kapangyarihan (‘knowledge/power’--- termino ni Michel Foucault) ay nakapaloob sa “logosentrikong” pananaw---may sentro, esensya, buo, at makatao. Ayon nga kay Barthes, tanging sa pagbabalik lamang sa mambabasa ng kapangyarihang maglikha ng kahulugan mapapatumba ang hegemonya ng namamayaning ideolohiya. Kaya naisulat niya na “the death of the author is the birth of the reader.”
Kinilala din ni Barthes ang dalawang uri ng texto: ang “readerly” at ang “writerly” text. Ang una ay tumutukoy sa textong “buo na” at hindi na nangangailangan ng partisipasyon ng mambabasa sa proseso ng paglikha ng kahulugan at ang pangalawa naman ay humihingi ng aktibong partisipasyon sa pagbuo ng akda at gayundin ng paglikha ng kahulugan (ito ang katangian ng mga akdang postmoderno kung saan walang hayag na kaisahan at kaugnayan ang mga elemento: karakter, lugar, panahon at banghay). Kaugnay nito, sa kanyang pinakahuling pagteteorya ay nasulat niya ang “Pleasure of the Text” kung saan kinilala niya ang dalawang uri ng text base sa ligayang naidudulot nito: (1) ang “plaisir” na mula sa readerly text at ang (2) “jouissance” o ang sobra-sobrang ligaya na nakukuha dahil sa pagkabalisa at pagkulabu ng utak ng mambabasa.
Samantala, ang ginawang pagdesentro ni Barthes ng author ay tinumbasan naman ni Derrida ng pronouncement na “wala naman talagang sentro” ang kaalaman. (Nauna na dito si Friedrich Nietzsche na nagsabi ng “there are no facts, only interpretations”)
Nasa proyekto ni Derrida ang tinatawag na pag-dikonstrak ng mga kaalaman. Ayon sa kanya, ang pagbasa at pagbibigay-kahulugan ay hindi dapat muling-paglikha (reproduksiyon) ng kaisipan sa texto, ito ay dapat gawing produksyon---ang bawat pagbasa ay paglikha ng bagong kaalaman. Sa interpretasyon ni Jonathan Culler ng sulat ni Derrida:
“To deconstruct a discourse is to show how it undermines the philosophy it asserts, or the hierarchical oppositions on which it relies, by identifying in the text the rhetorical operations that produce the suppose ground of argument, the key concept or premise.”
(Dito nalilikha ang bagong kaalaman; na sa terminolohiya ni Foucault ay ‘nilupig na kaalaman o subjugated knowledges.)
Krusyal sa metodong dikonstraksyon ang tinatawag ni Derrida na konsepto ng “play.” Ang play ay gawain sa isang espasyo kung saan walang hangganan ang posibilidad ng paglikha ng kahulugan sa kadahilanang nawalan na ng kapangyarihan ang sentro na maglimita ng kahulugan dahil nga wala na ito sa sentro. Dagdag pa, ang “play” ng kahulugan ay palagi ring “play” ng absent at present sa textong binabasa. Iniistorbo ng “play” ang (“metaphysics” ng) presence para mailantad ang mga nabaon at nakatagong mga kahulugan. Sa kabilang banda, ang “play” ay may hangganan rin, ang hangganan ng wika. Ito (marahil) ang ibig sabihin ng isinulat niyang, “There is nothing outside the text.”
Sa pag-aaral ni Derrida sa texto ni Levi-Strauss ay nadiskubre niya ang bricolage, o ang matatawag na “critical language” at puweding magamit sa kritisismo. Binigyang-konsepto ito ni Levi-Strauss na may referensya sa gumagamit na “instruments he finds…those which are already there… even if their form and their origin are heteregenous and so forth.” (Kung aaralin si Derrida, malalamang marami siyang hiniram na paraan ng pagbasa sa Istrukturalismo.)
Target ng dikonstruksiyon ni Derrida ang sentro na siyang nagtatanghal ng fundamental na prinsipyo ng presence: esensya, eksistens, laman, sabjek, kamalayan, Tao, Diyos. Ang mga ito ang mga naghihintay na dapat idisentro sa mga textong babasahin dahil ang mga ito, ayon kay Derrida, ay mga ilusyon na nagpapanatili ng istruktura, sistema, porma, totalidad, sara (closure) at pinanggalingan (origin). Sa mga nabanggit nakamapa, nakamarka, nakapaloob at higit sa lahat nalikha (konstrakted) ang kahulugan at kaalaman na nang-itswapera o nagmarginalays sa kanyang tinatawag na ‘iba’ (other).

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento