Lunes, Agosto 17, 2015

Tatang Utih (tula mulang Malaysia)

Tatang Utih
Usman Awang (Malaysia)
(salin ni Lilia Quindoza Santiago)


I.

May isa siyang asawang yayakapin hanggang kamatayan
Limang anak na dapat kumain araw-araw
Isang lumang dampang nilulukob ng sinaunang paniniwala
Kapiraso ng pagas na lupaing binubungkal.

Banat at lipakin ang balat ng kamay,
Nahirati sa pagpapatubo ng pawis,
O Tatang Utih!
Kapuri-puring magbubukid.

Dahil sinasalakay pa rin sila’t nililigalig ng malarya
Kahit umuusal siya ng milyong dalangin
Tinawag ng maybahay ang arbularyo sa nayon
Upang ipanlunas ang mga dalit at bulong.

Muwi ang arbularyong dala-dala’y
Salapi’t isang manok na dumalaga.


II.

Sa kabayana’y nagtutungayaw ang mga pinuno
Tungkol sa halalan at kalayaan ng bayan
Tungkol sa di mapipigil na kaunlaran ng estadong malaya
Nanganga ko ng gintong tulay ng kasaganaan sa dako pa roon.

Nang ngumiti na ang tagumpay
Nagsialis ang nakakotseng mga pinuno
Liyad ang mga dibdib
Ah, ang mga mahal na alipi’y kumakaway.

Saan man may bangkete’t pagpipista
Masasarap ang ihaw na manok na hain sa kanila
Mga manok na nagmula
Sa kanayunang pinangakuan ng kasaganaan.

Nakaluhod pa ri’t naghihintay si Tatang Utih
Nagtataka: saan papunta ang pinunong sakay ng limosina?

17 komento:

  1. Dahil sa module na padpad ako dito taena AHHAHAHAHA

    TumugonBurahin
  2. hello talk to me if you can, okay

    TumugonBurahin
  3. Ano pong paksa nito? Jusko ko dahil to sa module

    TumugonBurahin
  4. Putang ina module nato anong page nato yawa...

    TumugonBurahin
  5. Magagamit b nmin tung ptsnginang topic nato sa future n trabaho nmin

    TumugonBurahin