Ako
Chairil Anwar
(salin ni
Rogelio Mangahas)
Pagsapit ng
aking panaho’y
Ayokong
marinig ang iyak ng sinuman,
Maging sa iyo
Ilayo ang
lahat ng umiiyak!
Ako’y
naririto, isang hayop na mabangis,
Natiwalag sa
mga kasama
Mga punglo’y
maaaring maglagos sa balat ko
Ngunit ako ay
magpapatuloy,
Mga sugat at
sakit ang taglay sa pagsulong,
Sumasalakay,
Sumasalakay,
Hanggang sa
maglaho ang tiisin
At lahat ay
wala nang anuman sa akin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento