Isang
Sigarilyong Hindi ko Masindihan
Nazim Hikmet
(tula mulang
Turkey; salin ni Rogelio Mangahas)
Maaaring
mamatay siya anumang oras ngayong gabi,
isang sunog
na tagpi sa kanyang kaliwang sulapa.
Siya’y
patungong kamatayan, ngayong gabi,
sa kanyang sariling kagustuhan,
di-pinilit.
Mayro’n ka
bang sigarilyo? Sabi niya.
Sabi ko’y
Oo.
Posporo?
Wala, sabi
ko.
isang punglo ang magsisindi niyan
para sa iyo.
Kinuha niya
ang sigarilyo
at lumayo
Marahil, siya
ngayo’y nakadipa sa lupa,
isang sigarilyong walang sindi sa
pagitan
ng kanyang mga labi,
isang sugat
na umuusok sa kanyang dibdib.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento