Istrukturalismo
Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura---ang istruktura ng wika. Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue) na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binigkas (ang parole). Kayat kung paghambingin ang Formalismo at Istrukturalismo: habang ang Formalismo ay “lumalapit” sa teksto ang Istrukturalismo naman ay “lumalayo” para higit na makalapit sa konteksto (pero sa kabilang banda, pareho ding gumagamit ng ‘close reading’).
Unang binuksan ang ganitong pananaw ng linguista na si Ferdinand de Saussure. Inimbento niya ang konsepto ng pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita---na walang isang salita na nakakatayo na mayroong kahulugan. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay napapabilang (meanings are relational). Nalilikha lamang kung ganoon ang kahulugan dahil sa pagkakaiba (difference) ng salita sa iba pang salita. Halimbawa nito ang kahulugan ng kulay na “pula” sa water dispenser: “pula”=mainit. Iba ito sa “bughaw”=malamig. Itong pagkakaiba ang nagbigay sa pula ng kahulugan. Siempre pa kung ang kulay pula ay makikita na hindi na bughaw ang katabi, mag-iiba ang kahulugan nito. Itinuring din ni Saussure ang wika bilang sistema ng senyas (sign) na binubuo ng tagasagisag (signifier) at sinasagisag (signified). Sa halimbawang nabanggit sa itaas ito ang representasyon:
Tagasagisag (“pula”)
Sinasagisag (“mainit”)
Tinawag ng mga teorista ang sistemang ito na semiotics o semiology. Pero dapat pansinin na hindi ito naging limitado sa diskurso ng wika ngunit ng kabuuang istruktura na hakop pati kinship system, totem symbol, mito at iba pa na siya namang pinag-aralan ni Claude Levis- Strauss, isang antropologo. Ang antropolohikal na pananaw na ito ang ginamit ni (Roland) Barthes para basahin ang sistema ng senyas sa halos lahat ng bagay mula sa damit, gusali, wrestling at pagkain.
Sa mga naratibo naman ay ginamit ng mga istrukturalista ang analohiya ng wika kung saan ang konsepto ng “syntax” sa pangungusap ay ginawang modelo para sa kanilang analisis. Si Vladimir Propp, halimbawa, ay nakalikha ng analisis ng istruktura ng fairy tales sa pamamagitan ng simuno (subject) at panaguri (predicate) ng pangungusap. Ang “simuno” bilang hinahalinhinan ng bida at ang “panaguri” bilang aksiyon na nagmula sa bida. Mula dito ay nabuo niya ang naratibo ng pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa pagpapakilala sa bida hanggang sa kanyang pagpapakasal sa “premyo” (karaniwan prinsesa) at pag-upo sa trono. Pinaikli naman ito ni A. J. Greimas sa pagpapakilala ng:
Subject/Object
Sender/Receiver
Helper/Opponent
kung saan ang mga aksiyon ay maaaring klasifikahin sa performative (tests, struggles etc.), contractual (establishment and breaking of contracts), at disjunctional (departure at returns).
Sa kaso ni Levi-Strauss, hindi ang sequence ng naratibo ang kanyang naging interes kundi ang pattern ng istruktura kung saan mahuhugot ang kahulugan na siyang lumikha ng institusyong panlipunan at kaalaman. Dito naimbento ang konsepto ng kabilaang tunggalian (binary opposition); ang tunggalian na maaaring irepresenta sa mga sumusunod na salita tulad ng hari/alipin, mayaman/mahirap, natural/kultural at iba pa.
Sa kabuuan, masasabi na ang istrukturalismo ay lumitaw bilang reaksiyon sa namamayaning teorya na Formalismo. Layon nitong isantabi ang autoridad ng awtor at itanghal ang paghahari ng sistema (wika) kung saan ang lahat ng kahulugan ay matatagpuan. Nasa paniniwala nito na wala nang bago sa mga sinusulat dahil lahat ay “nasulat na.” Nauna na ang wika sa paglikha ng kahulugan kesa sa magsusulat pa lang.
Magkapareho nga lang ang dalawang “ismo” (formalismo at istrukturalismo) sa pananaw na mayroong sentro o unibersal. Kung sa una, ang unibersal ay nakapaloob at matatagpuan sa metapisikal na entidad (esensya, katauhan, Diyos) sa huli naman ay ang pinagmulan (maaring code, batas o sistema). May kakulangan pa rin ang istrukturalismo dahil binabalewala nito ang ibang realidad tulad ng realidad ng kasaysayan na kahit ang diskurso ng tunggalian (binary opposition) ay hindi hiwalay dito. Isa pang puna sa istrukturalismo ay ang akto nito ng pagpanig sa isang diskurso (privileging) na hindi maiiwasang isang politikal na gawain. Kayat ang pagpapakahulugan ng istrukturalista ay maaari pa ring isabjek sa isang interogasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento