Martes, Hulyo 14, 2015

"Ang Ama" (kuwento, Singapore)



Ang Ama
(di pinangalanang awtor)
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)



Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

201 komento:

  1. Wow salamat mlaking tulong toh. May assignment asi ko sa filipino btw 9sped from pnhs here

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa Filipino po ba yan grade 9

      Burahin
    2. pang grade 9 siguro inaaral namin ngayon

      Burahin
    3. WOOOOOOOOWHOOOOO DU230 ALAWAKBAR


      Salamat sa Assign SP 1 gaming here pls add me im creepy=moves :)

      Burahin
    4. Woohh pnhs din ako nag aaral, sa Pardo National High School

      Burahin
    5. Ano po ang Reaksyon/Repleksyon sa aralin:

      Burahin
    6. lol, sana ol tapos na sa modules

      Burahin
    7. Finding ka duo dyan g9 namn
      Ako na sa math hehehe

      Burahin
    8. Ang ama na storya po ba ay isang halimbawa ng isang kwentong makabanghay

      Burahin
    9. Ano-anong katangian ng ama ang nangingibabaw sa kuwento?

      Burahin
    10. grabe g9 na me wahah btw sino single jan haha chz.

      Burahin
    11. hahahaahah anong answer sa SAQ mga lods ayaw ko basahin

      Burahin
    12. Napadpad lang po dahil sa modules.. heheheheheh...

      Burahin
    13. Dami pa kasi alam pa module module pang nalalaman

      Burahin
    14. Parang Grade 8 Ito Kasi Pinag aralan na namin ito kahapon

      Burahin
    15. ay kayu ah napag hahalata kayu din ba HAHAHAHHA

      Burahin
  2. Sakto may assignment ako sa Filipino, salamat napakalaking tulong nito sa karamihan

    TumugonBurahin
  3. Maraming Salamat Po at meron pala Nito dito.. Buti nalang dahil hindi ako nakinig sa Aming Guro kaya di Ko malaman ang isasagot ko..

    TumugonBurahin
  4. Maramkng Salamat talaga Sir!!
    TULONG TALAGA TO SA MGA ISTUDYANTE TULAD KO!!!

    Salamat ulit Sir

    TumugonBurahin
  5. sino po ang orihinal na nagsulat ng kuwentong ito?

    TumugonBurahin
  6. Maraming salamat sa inyo magagawa kona yong assignment ko

    TumugonBurahin
  7. Mga Tugon
    1. Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan. Kadalasang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang. Karaniwang nakabatay ang nga paksa sa mga tunay-na-buhay na pangyayari anupa't ang mga mambabasa ay madaling makaugnay sa salaysay nito. Kaya naman masasabing ito ay isang payak ngunit masining na salamin ng buhay ng isang tao.

      Burahin
  8. Salamat po dto.
    Sakto po ass.
    Po nmin to

    TumugonBurahin
  9. mahirap po ba grade 9 kasi simula palamgmmng parang mahirap na sa science high school pa naman ako nagaaral

    TumugonBurahin
  10. mahirap po ba grade 9 kasi simula palamgmmng parang mahirap na sa science high school pa naman ako nagaaral

    TumugonBurahin
  11. Thank you po kac magagawa ko na assignment ko sa Filipino

    TumugonBurahin
  12. Ano ano ang mga sumusunod na pangyayari?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano po ba ang pangyayari 1 and pangyayari 2 na maiuugnay s kasalukuyan

      Burahin
    2. Ano yung mga pangyayari Jan? Hehez bagong grade9 here po pasagot naman po.

      Burahin
  13. marami pong salamat kung wla po ang ipormasyong yan wla po akong ass.

    TumugonBurahin
  14. Napaka husay! Maraming salamat sa tulong mo!

    TumugonBurahin
  15. parang tanga bakit parang pinapatawad ng manunulat yung ama? Dahil marunong siyang umiyak wala nang papansin sa lahat ng mga masasama niyang ginawa?? puta sayang ung ending sana namatay sya ����

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Masama man o Mabuti ang iyong ama,Ama moparin siya at hindi yung mababago

      Burahin
    2. Learn to cut yourself from toxic ppl omg ,,, stop romanticizing violence

      Burahin
    3. Eh kung ikaw ung patayin ko ? Pinatawad nya ung ama dahil na realize nya ( ng ama ) na simula nong namatay si Mui Mui ang laking responsibilidad ang kanyang binitawan. At binago nya ung ugali nya dahil ayaw nya na mawalan pa ng anak... Kung di mo parin naintindihan imagine na ikaw ung ama tapos pag namatay ang iyong anak isipin mong mabuti kung ano ang gagawin mo ! Malamang baguhin mo ung sarili mo para kahit papa-ano makabawi ka sa mga kasalanang nagawa mo

      Burahin
    4. Ano ang malalalim na salita sa kwentong ang ama?

      Burahin
  16. maraming salamat po hehe para po ito sa filipino9 namin. btw iloilo poo

    TumugonBurahin
  17. Salamat sa tulong mo malaking tulong to

    TumugonBurahin
  18. Among sagot sa no 4 madilim na ang langit

    TumugonBurahin
  19. sino po ang original na author nito?

    TumugonBurahin
  20. Maari poba mahingi ang simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas ng kwento?

    TumugonBurahin
  21. Salamat po😄😄😄

    TumugonBurahin
  22. Ano ang konatatibong kahulugan ng paluwagang palad

    TumugonBurahin
  23. Ano poba ang kaugnayan sa kasalukuyan?

    TumugonBurahin
  24. Ano poba ang kaugnayan sa kasalukuyan?

    TumugonBurahin
  25. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento

    TumugonBurahin
  26. Maraming salamat assignment ko Yan ngayun

    TumugonBurahin
  27. Patulong po ano po Ang kaugnayan nito sa kasalukiyan?

    TumugonBurahin
  28. Patilonh po ako sa Filipino dun sa balik tanaw

    TumugonBurahin
  29. Ano po ang mga katangian nga kanyang ama?

    TumugonBurahin
  30. Sadyang nakakalungkot ang mga pangyayari sa kwento. Ang ama dapat nagsisilbing "haligi ng tahanan", ibigay ang pangangailangan ng pamilya, maging huwarang sa kanyang mga anak at mahalin ang kanyang asawa at mga anak. Ngunit kabaligtaran ang ipinakita na ugali ng nasa kwento. Sadyang nakakahabag ang nangyari sa kanyang pamilya na nagresulta ng pagkamatay ng kanyang bunsong anak na iyon ang naging dahilan ng paglinaw ng isip ng ama na baguhin ang mga hindi magandang ginawa sa kanyang pamilya at kanyang ugali. Nakakalungkot isipin na kailangan pang may mangyaring hindi maganda upang magbago ang isang tao. Pero ang importante, binago at ipinakita na nya na hindi na siya babalik sa dati na masama at hindi maganda ang paguugali.

    TumugonBurahin
  31. Nakakalungkot po ang pangyayari dahil grabe po ang ginagawa ng ama sa kanyang mga anak pero at mali ang ginagawa niya sa kanyang mga anak dapat ay minamahal niya ito at di sinasaktan pero nag sisi rin naman po ang ama ng mga bata at ito'y hindi sapat para sa kanila

    TumugonBurahin
  32. taga ule iyot 2x taga uleeee iyot ta

    TumugonBurahin
  33. Kailan po nangyari ang kwentong ito?

    TumugonBurahin
  34. Ano po ang mga idyoma sa kwento ? Salamat sa sasagot

    TumugonBurahin
  35. Anong kultura ng taga singapore ang nakita sa kwento?

    TumugonBurahin
  36. Mga pangyayari bayan Ang may mga kulay?

    TumugonBurahin
  37. Wow ang ang ikli ng kwentro subra HAHAHA

    TumugonBurahin
  38. Thank you po nakakatulong po ito sa aking kapatid

    TumugonBurahin
  39. Sino ang batang masskitin at maagang namatay dahis sa ama?

    TumugonBurahin
  40. ang galing nakatulong po talaga sa grade 8 modules ko

    TumugonBurahin
  41. Maraming salamat po at meron nito dito para Rin po sa mga pamangkin ko😊

    TumugonBurahin
  42. Ano anong katangian ng ama ang nangingibabaw sa kwento?

    TumugonBurahin
  43. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama?Isalaysay

    TumugonBurahin
  44. Ano ang mga simbolismong ginamit sa akda? Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolismong pumaimbabaw sa akda. Isulat ang sagot sa loob ng kahon

    TumugonBurahin
  45. Anong kultura ng mga taga-singapore ang masasalamin sa kuwentong "Ang Ama?

    TumugonBurahin
  46. B.Suriin ang akdang "Ang Ama" batay sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagwawakas.Anong mga pamamaraan ang ginamit ng may-akda?

    TumugonBurahin
  47. ibuod ang kwentong ang ama

    ang kwento ay nagsimula sa paglalahad ng suliranin ng pamilya


    pagkatapos ay


    ang kalupitang ito ay humantong sa


    dahil dito,


    sa huli,

    TumugonBurahin
  48. nakakalungkot ang pangyayari dahil sa ginawa ng ama sa mga anak nya at di maiiwasan ang sakitan pero dapat ang ama ang nagsisilbing poste ng tahanan at tagapagtangol sa mga anak pero hindi nya ito magawa at ang binibigay nya sa anak nya ay ang pananakit.

    TumugonBurahin
  49. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.

    TumugonBurahin
  50. Sa kakaantay ko ng true love module ung dumating

    TumugonBurahin
  51. Nasa dulo talaga ang pag sisisi kung wala pa siyang na patay hindi pa siya mag babago sana naisip niya yung noon wala pa zoyang na papatay:(.

    TumugonBurahin
  52. Nakakalungkot ang pangyayari btw gusto mo Katalk?

    TumugonBurahin
  53. Alam ko kung pano ka napunta dito







    M O D U L E S

    TumugonBurahin
  54. samalamig samalamig dut dut dut dut dut dut dut dut dut samalamig samalamig samalamig dut dut dut dut dut samalamig samalamig hahahahh

    TumugonBurahin
  55. thanks pls subscribe my channel haha

    TumugonBurahin
  56. Guys ano ang masasabi nyo
    Para sa ama?
    Para kay mui-mui?
    Para sa mga kapatid at ina ni mui-mui?

    TumugonBurahin
  57. Wala akong naintindihan!!😭😭 Paki explain nga huhuhu😭🥺

    TumugonBurahin
  58. Anong kultura ng mga Taga Singapore ang masasalamin sa kwento?

    TumugonBurahin
  59. Anog pwedeng ilagay sa mahalagang pang yayari sa kwento?BWHAHAHAHA help me.

    TumugonBurahin
  60. Haha putangina ang haba pano ko to maiintindihan bwakanangsht

    TumugonBurahin
  61. Hinanap ko pa to kasi wala akong book kala ko nasa module bumalik pa ako sa module 1 namin -,- buti nahanap ko

    TumugonBurahin
  62. meron bang mabait na magpapakopya dyan??

    TumugonBurahin
  63. kapagod mag module... penge katalk..

    TumugonBurahin
  64. ang lakas ng ulan dito.... hindi na ba talaga titigil yung nararamdaman ko sayo?

    TumugonBurahin
  65. Nkakalungkot na kwento..
    Nakaka awa ang mga bata.

    TumugonBurahin
  66. Naiirita ako sa tatay hahah deserve niyang makulong kahit na sabihin niyong nagbago siya, better yet mamamatay

    TumugonBurahin
  67. Nakagawa ang sinapit ng kanilang pamilya

    TumugonBurahin
  68. Nakagawa ang sinapit ng pamilya nila

    TumugonBurahin