Miyerkules, Hulyo 29, 2015

Ang Buwang Hugis-Suklay (Laos)



Ang Buwang Hugis-Suklay (Laos)
Walang may-akda
salin  ni Romulo N. Peralta

Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang asawa na upang hindi niya makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwang hugis-suklay.
Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang maging hugis-suklay.
Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang ipinagbilin ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng tagapangalaga ng tindahan.
“Maaari ko po ba kayong tulungan?,” tanong ng tagapangalaga sa mangingisda.
“Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa.” tugon naman niya.
“Pampapula ho ba ng labi?”
“Hindi.”
“Pitaka?”
“Hindi rin.”
“Unan?”
“Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.” Masayang tugon ng mangingisda.[1] Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay.
“Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng tindahan. Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot. Binayaran ito ng mangingisda at lumisan. Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa, anak, ang kaniyang ina at ama.
“Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak.
“Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?,” ang tanong ng kaniyang
asawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyang
binili para sa asawa.
“Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan,” pasigaw na sabi ng asawa.
Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang supot at
inabot sa asawa. Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng
panghahamak. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon ng asawa.

“Bakit ka nagdala ng mia noi[2]? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng asawa.
Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika.
“Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa?” Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin.
“Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa.” pagalit na sabi ng bata.
“Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata.
“Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.” Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.
“Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo. Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag.
“Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng lolo.


[1]Sa orihinal na teksto, ginamit ang salitang spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin ang salitang unan upang maging magkasintunog sa salitang buwan.
[2]Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na
mas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at Lao.

Lunes, Hulyo 27, 2015

Istrukturalismo

Istrukturalismo

Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura---ang istruktura ng wika. Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue) na nakadepende naman sa aktwal na sinasabi o binigkas (ang parole). Kayat kung paghambingin ang Formalismo at Istrukturalismo: habang ang Formalismo ay “lumalapit” sa teksto ang Istrukturalismo naman ay “lumalayo” para higit na makalapit sa konteksto (pero sa kabilang banda, pareho ding gumagamit ng ‘close reading’).
Unang binuksan ang ganitong pananaw ng linguista na si Ferdinand de Saussure. Inimbento niya ang konsepto ng pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita---na walang isang salita na nakakatayo na mayroong kahulugan. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay napapabilang (meanings are relational). Nalilikha lamang kung ganoon ang kahulugan dahil sa pagkakaiba (difference) ng salita sa iba pang salita. Halimbawa nito ang kahulugan ng kulay na “pula” sa water dispenser: “pula”=mainit. Iba ito sa “bughaw”=malamig. Itong pagkakaiba ang nagbigay sa pula ng kahulugan. Siempre pa kung ang kulay pula ay makikita na hindi na bughaw ang katabi, mag-iiba ang kahulugan nito. Itinuring din ni Saussure ang wika bilang sistema ng senyas (sign) na binubuo ng tagasagisag (signifier) at sinasagisag (signified). Sa halimbawang nabanggit sa itaas ito ang representasyon:
Tagasagisag (“pula”)
Sinasagisag (“mainit”)
Tinawag ng mga teorista ang sistemang ito na semiotics o semiology. Pero dapat pansinin na hindi ito naging limitado sa diskurso ng wika ngunit ng kabuuang istruktura na hakop pati kinship system, totem symbol, mito at iba pa na siya namang pinag-aralan ni Claude Levis- Strauss, isang antropologo. Ang antropolohikal na pananaw na ito ang ginamit ni (Roland) Barthes para basahin ang sistema ng senyas sa halos lahat ng bagay mula sa damit, gusali, wrestling at pagkain.
Sa mga naratibo naman ay ginamit ng mga istrukturalista ang analohiya ng wika kung saan ang konsepto ng “syntax” sa pangungusap ay ginawang modelo para sa kanilang analisis. Si Vladimir Propp, halimbawa, ay nakalikha ng analisis ng istruktura ng fairy tales sa pamamagitan ng simuno (subject) at panaguri (predicate) ng pangungusap. Ang “simuno” bilang hinahalinhinan ng bida at ang “panaguri” bilang aksiyon na nagmula sa bida. Mula dito ay nabuo niya ang naratibo ng pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa pagpapakilala sa bida hanggang sa kanyang pagpapakasal sa “premyo” (karaniwan prinsesa) at pag-upo sa trono. Pinaikli naman ito ni A. J. Greimas sa pagpapakilala ng:
Subject/Object
Sender/Receiver
Helper/Opponent
kung saan ang mga aksiyon ay maaaring klasifikahin sa performative (tests, struggles etc.), contractual (establishment and breaking of contracts), at disjunctional (departure at returns).
Sa kaso ni Levi-Strauss, hindi ang sequence ng naratibo ang kanyang naging interes kundi ang pattern ng istruktura kung saan mahuhugot ang kahulugan na siyang lumikha ng institusyong panlipunan at kaalaman. Dito naimbento ang konsepto ng kabilaang tunggalian (binary opposition); ang tunggalian na maaaring irepresenta sa mga sumusunod na salita tulad ng hari/alipin, mayaman/mahirap, natural/kultural at iba pa.
Sa kabuuan, masasabi na ang istrukturalismo ay lumitaw bilang reaksiyon sa namamayaning teorya na Formalismo. Layon nitong isantabi ang autoridad ng awtor at itanghal ang paghahari ng sistema (wika) kung saan ang lahat ng kahulugan ay matatagpuan. Nasa paniniwala nito na wala nang bago sa mga sinusulat dahil lahat ay “nasulat na.” Nauna na ang wika sa paglikha ng kahulugan kesa sa magsusulat pa lang.
Magkapareho nga lang ang dalawang “ismo” (formalismo at istrukturalismo) sa pananaw na mayroong sentro o unibersal. Kung sa una, ang unibersal ay nakapaloob at matatagpuan sa metapisikal na entidad (esensya, katauhan, Diyos) sa huli naman ay ang pinagmulan (maaring code, batas o sistema). May kakulangan pa rin ang istrukturalismo dahil binabalewala nito ang ibang realidad tulad ng realidad ng kasaysayan na kahit ang diskurso ng tunggalian (binary opposition) ay hindi hiwalay dito. Isa pang puna sa istrukturalismo ay ang akto nito ng pagpanig sa isang diskurso (privileging) na hindi maiiwasang isang politikal na gawain. Kayat ang pagpapakahulugan ng istrukturalista ay maaari pa ring isabjek sa isang interogasyon.

Huwebes, Hulyo 23, 2015

Martes, Hulyo 14, 2015

"Ang Ama" (kuwento, Singapore)



Ang Ama
(di pinangalanang awtor)
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)



Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."

Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

Pormalismo

Formalismo at Liberal na Humanismo

Ang Formalistang at Liberal na Humanismo pananaw ay nakaugat sa adhikaing ilagay sa sentro ang tao--- humanismo ang tawag dito.  Dahil dito ang mga konsepto tulad ng “unibersal” at “pagpapahalaga” (buhay at pagkatao, pilosopikal na tema at textong ironiya---mga pangunahing elemento) ang ninanais na ilantad mula sa textong pampanitikan.  Nakasandig sa “unibersal” ang paglakbay ng kahulugan saan mang espasyo at panahon para maituro sa tao kung paano ang magpakatao (na isang pagpapahalaga).  Pinutungan ng mga formalista ng korona si Shakespeare dahil dito; naniniwala sila na ang mga sinulat ni Shakespeare ay “walang kamatayan” at dapat lamang tawaging “canon.”    Dala-dala ng mga kanonisadong teksto ang ang konsepto ng “sentro”: ang pagkakaroon ng esensya, konsiyensya, katotohanan at Diyos (logosentrismo at metaphysics of the presence sa mga deconstructionists).
Sabay ng ganitong pananaw ay ang pagtingin sa teksto ng panitikan bilang hiwalay sa lipunan kung saan ito nagmula o lipunang bumabasa nito (umiiwas lamang ang formalismo dito).  Importante na mailantad ang tinatawag na “literariness” ng akda para idambana ang estetikong kagandahan.  Una sa lahat kasi ay dapat maging “maganda” ang isang akda.  Sekondarya na lang ang sinasabi nito (ang texto ay katumbas ng kontexto).  Kung ang kahulugan kasi ang unang pag-uukulan ng pansin ay nagiging propaganda ang akda (kritika ng marxismo).  Sinasabi rin na ang porma at nilalaman ay dapat magkaroon ng “internal na dialog” para maipalabas ang kagandahan na unang mag-uugat sa pagkakasulat.
Sa paglalagay ng tiwala sa “dipamilyarisasyon,” isang teknik kung saan ang pamilyar ay ginagawang di-pamilyar (para itanghal ang pagiging pamilyar) at “objective-correlative” gamit ang kongretong mga imahen at ang mga literary devices na magtatanghal sa ironiya at metapora, nabibigyang saysay ang formalistikong produksiyon at pagsusuri ng akda.  Ito ang mga kaparaanang pinaniniwalaan na maghahawan sa landas ng tunay na interaksyon ng manunulat at mambabasa sa paglikha ng kahulugan (gaano man ka-ambiguous ang akda) (sa kabilang banda, ito ay isa ring pamamaraan para ilihis ang mambabasa sa tunay na kalagayang panlipunan at huwag silang hikayating gumalaw at baguhin ang namamayaning sistema).
Sa mga nabanggit na pagdulog sa itaas, ang may-akda, kahit siya ang tinuturing na bukal ng kahulugan, ay nagkakaroon ng impersonal at malayong hagod sa kanyang paksa.  Importanteng maipakita niya ang pagtitimpi (restraint, na isang modernong atityud) sa pagtatalakay ng mga paksa.  Kaya nga’t kailangan niyang sumandig sa prinsipyong “ipakita huwag sabihin.” 
Ang teksto bilang perfektong tagadala ng kahulugan ay kinakailangang magkaroon ng kaisahan (unity) at kabuuan (coherence). Kapag nagawa ito, ang damdamin ng mambabasa (affect) ay higit na maaantig---madadanas niya ang ligaya ng pagbasa, gayundin ang realisasyon ng gamit sa praktika (dulce et utile).
Naniniwala rin ang Formalismo sa idea ng “pagpapatuloy” ng Tradisyon (ng pagsusulat, genre, atbp., na sinimulan ng mga naunang manunulat) kayat ang pagbasa ay maaaring ibalik sa mga nauna nang kalakaran sa pagsusulat.  Maliban sa pagbabalik-balik lamang ng porma (code ng pagsusulat) puspos din ng mga alusyon mula sa mga naunang akda ang mga bagong akdang akda.
Sa kabuuan, dalawang school of thought ang pinaghanguan ng Formalismo, ang Liberal Humanism na naniniwala sa kapasidad ng individwal bilang tagalikha ng kahulugan, ng (American) New Criticism na nagpako ng tingin sa nakasulat na “teksto” at ang (Russian) Formalism na ang layunin ay tratuhin na isang scientific investigation ang pagbibigay-kahulugan sa akda (kasama na kung bakit ganoon ang epekto sa mambabasa).