Ang Alamat
ni Prinsesa Manorah
(alamat mulang Thailand, salin ni Dr. Romulo N. Peralta)
Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon
mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama V ng
Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang
pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng
Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na
kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at
nagagawang itago ang kanikanilang pakpak kung kanilang nanaisin.
Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng
Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi
kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at
kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang
ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon.
Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan
ng
Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang
nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni
Prinsesa
Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya
ito kay
Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng
Udon
Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa
prinsesa.
Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan.
Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa
kaniya ng
ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad
itong lumilipad
kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na
nakatira sa
pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila.
Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin
ang dragon.
Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit
napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang
panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong
umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog
kung saan naglalaro ang mga kinnaree.
Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid
at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang
pagkaawa ng
ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi
agad-agad na
lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang
hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay
Prinsipe
Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan.
Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad
na
naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit
niya
hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe
at binayaran
siya nito ng napakalaking halaga.
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa
Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang
sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong
pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal
para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal
at
tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay
habambuhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento