Ang Taj Mahal
Sahir
Ludhianvi
(di kilala
ang nagsalin)
Sa iyo, mahal
ko, ang Taj ay sagisag ng pag-ibig. Mabuti.
Mabuti rin at
sinasamba mo itong lambak na kanyang
Kinatatayuan.
Ngunit magtipan na lang tayo sa
ibang lugar.
Ang mahirap,
bibisita sa pagtitipon ng mga maharlika? Balintuna.
Ano’ng
mapapala ng magsing-irog sa paglalakbay
Sa isang
landas na may tatak ng poot ng mga naghahari?
Masdan ang
mga sagisag ng palalong karangyaan,
Ang
kapaligiran nitong tanda ng pag-ibig.
Nasisiyahan
ka ba sa nitso ng mga patay na hari?
Kung gayon,
masdan ang loob ng madilim mong tahanan.
Sa daigdig na
ito, di-mabilang na mamamayan ang umibig.
Hindi lamang
nila kayang magpalabas ng isang tulad nito
Pagkat sila’y
mga pulubi . . . tulad natin.
Itong mga
gusali at nitso, itong mga pader at moog
Kanser sa
dibdib ng daigdig, nakamamatay na kanser
Na sumaid sa
dugo ng ating mga ninuno
Na umibig
din, mahal ko.
Ang sining
nila ang siyang humubog sa kagandahang ito.
Ngunit sa
nitso ng mga mahal nila’y walang nakaaalala;
Magpahanggang
ngayon, ni walang nagsindi ng kandilang alay sa kanila.
Ang hardin na
ito, ang palasyo sa tabing-ilog,
Ang mga
nililok na pinto at dinding, itong arko, itong bulwagan—ang mga ito?
Pangungutya
ng isang emperador na nakaluklok sa kanyang kayamanan
Sa pag-ibig
ng ating mahihirap.
Mahal ko, magtipan na lang tayo sa
ibang lugar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento